• Home
  • How to Join
  • FAQs
  • Winners
  • What's New
  • Contact Us

PSR, kapamilya na ang pinakasikat

Posted November 30, 2010. Filed under Events.

Ang pinakasikat na male TV host na si Boy Abunda ay pumirma na ng kanyang suporta para sa Premyo Sa Resibo (PSR). Sa isang simpleng pagtitipon kasama ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue, PIA, Philweb, I-PCV, SM at mga taga media, inilahad ni Boy Abunda ang suporta sa programa na may layuning pagtibayin ang maayos na pagbubuwis sa bansa. Aniya “Sa PSR, natataguyod ang importanteng kaugaliang paghingi at pagbigay ng tamang resibo sa bawat pinansiyal na transaksyon. Resibo ang pangunahing basehan ng buwis sa s’yang nagiging pondo ng bayan para sa mga proyekto’t programa na mamamayan ang makikinabang.”

Naniniwala ang pamunuan ng PSR na ang nirerespetong imahe ni Abunda ay malaking tulong sa programa. Ang imbitasyong sumuporta at mag-endorso nito ay walang pag-aatubiling tinanggap ng sikat na TV host. “Anumang gawaing makatutulong sa bayan ay malugod kong gagampanan”, paglalahad ni Abunda.

DOBLENG SAYA AT SWERTE

Si Aling Elisa ng Bulacan ang texter na nanalo sa PSR P1Million Swerte Dtaw na ginanap sa SM Baguio noong October 17. Kasabay sa pagpirma ni Abunda ng suporta sa PSR ang paggawad ng premyong P1 Million.

BUWAN-BUWAN, LINGGO-LINGGO ANG SWERTE

Sa December 4 na ang next monthly PSR P1 Million Swerte Draw na gaganapin sa SM Davao. One lucky entry will win P1 Million. Kasali ang mga entries mula 12:01 AM up to 12 midnight ng December 2, 2010.

Sa weekly PSR Swerte Draw, two lucky entries ang mananalo ng P25,000. Ang draw ay ginaganap tuwing Lunes sa BIR office. Kasali ditto ang entries ng bawat nakaraang lingo.

May instant prizes ding P5,000, MyPhone cellphones at P30 e-load. 2 easy ways para sumali – mag-text o mag-scratch.

MAG-TEXT NA!

Mula sa mga detalye sa Resibo, text PSR<space>TIN of O.R.<space>O.R. Number<space>O.R. Amount (example: PSR 123456789 5678 250). Send to 9777 (for single entry) or 9778 (multiple entries). Only P2.50 per entry.

PSR CARD MAS PINAGANDA! MAG-SCRATCH NA!

Present a receipt to buy the PSR Card from Authorized Registration Outlets near you. Malapit na rin itong mabili sa mga BIR Regional and District Offices. Bawat card, may pitong tsansa para swertehin! You can win instant cash from P20 up to P1 Million sa Scatch-and-Match. May two entries ka na rin sa PSR Swerte Draw at two entries pa sa PSR P1 Million swerte draw! P20.00 bawat card.

For details: Text PSR Help to 9777, call the TEXT Hotline (02) 338-9777, CARD Hotline (02) 438-8000 or visit www.premyosaresibo.com.ph.

ANG RESIBO, TULONG MO, SWERTE MO!

 

One Response to “PSR, kapamilya na ang pinakasikat”

  1. ipremyosaresibo says:
    January 20, 2011 at 6:49 pm

    Yes, PSR is an on-going project of the Philippine Bureau of Internal Revenue (BIR) in support of their “Ask For Your Receipt” campaign. Thanks!

    Reply

Leave a Reply

Click here to cancel reply.

  • Home
  • How to Join
  • FAQs
  • Winners
  • Terms and Conditions
  • What's New
  • Downloads
  • About PSR
  • Contact Us
 

© 2012 Premyo sa Resibo. All Rights Reserved. Powered by SME.com.ph