• Home
  • How to Join
  • FAQs
  • Winners
  • What’s New
  • Contact Us

Babae sa Baguio, nagsusumigaw at nagtatalon sa tuwa

Posted September 16, 2010. Filed under Events.

Nabasag ang katahimikan ng isang barangay sa Baguio City nang bigla na lang maghuhumiyaw sa sobrang tuwa si Ana Codley, 43 years old, nang mabalitaang nanalo siya ng P1 Million sa BIR Anniversary Special Draw na ginanap noong August 31 sa SM San Lazaro, hatid ng Premyo Sa Resibo (PSR).

“Nakaka-overwhelm talaga” aniya ni Ana na hindi makapaniwalang siya ang bagong maswerteng milyonaryo ng PSR. Plano niyang gamitin ang premyo sa pagpapatayo ng isang pasalubong center para sa mga turista. Dagdag pa ni Ana, “gusto ko ring magbiyahe pa-Singapore kasama ang aking pamilya.”

2 years nang sumali si Ana sa PSR. Sabi niya, “panay ang pagtext natin sa mga kaibigan natin, bakit hindi ko subukang sumali sa PSR, wala naming mawawala.” At nagbunga ng swerte ang kanyang pagbabaka-sakali.

Sa October 17, 2010 ang sumusunod na PSR Swerte Draw. P1 Million at iba pang exciting prizes ang tiyak na mapapanalunan ng mga masuswerteng texters. Sa pag-text, maaari ring swertehin ng instant P5,000, Myphone mobile phones at P30 e-load.

Napakadaling sumali. Ugaliing hingin ang resibo. I-text ang PSR(space)TIN ng OR(space)OR NUMBER(space)AMOUNT ng transaksyon, i-send sa 9777 for single entry or 9778 for multiple entries. P2.50 lang per entry. Para sa karagdagang detalye, send PSR Help to 9777.

Tulad ni Ana, huwag palampasin ang pagkakataong swertehin. Ugaliing sumali sa Premyo Sa Resibo, baka ikaw na ang susunod na maka-jackpot ng P1 Million. Sali lang nang sali, malay mo, swerte mo na!

 

3 Responses to “Babae sa Baguio, nagsusumigaw at nagtatalon sa tuwa”

  1. eisenjoel frias says:
    September 19, 2010 at 8:13 am

    Goodmorning..san po makikita yung winning number?san po sa site nyo?thank you po and God bless

    Reply
  2. jeward says:
    October 25, 2010 at 10:29 am

    gusto ko sana malaman kung accepted ba ang entry ko na sinint ko sa 9778 para ma multiple noung october 2010.dahil wala akong na tangap na update sa entry ko, i want some information about my entry. asap……..,,,,,,

    Reply
  3. Sarah Grace L. Edejer says:
    October 27, 2010 at 2:55 pm

    Matagal na po ako sumasali sa PSR sana swertehin na akong manalo bago maspasko para meron ako maitulong sa pamilya ko. Lalo na ngayon till December this year na lang ako mron trabaho, magsasara na kc company namin. Goodluck an power to Premyo sa Resibo…God Bless.

    Reply

Leave a Reply

Click here to cancel reply.

  • Home
  • How to Join
  • FAQs
  • Winners
  • Terms and Conditions
  • What’s New
  • Downloads
  • About PSR
  • Contact Us
 

© 2012 Premyo sa Resibo. All Rights Reserved. Powered by SME.com.ph